Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Batang Mataba



Hirap ng mataba ano? Alam ko ang pakiramdam nun yung nalalait ka dahil mataba ka? At ang palaging sigaw sayo ng mga kapwa bata mo ay "TABACHOY!! TABACHOY!!" pakiramdam mo ay sobrang taba mo para malait ka ng ganun, Ganoon din ang aking pakiramdam pero bago ko umpisahan ang kwento ng buhay ko ay mag papakilala muna ako sa inyo.


Ako nga pala si Joshua Dave F. Castro, Ako ay nakatira sa lugar ng Baliwag, Ako ang bunso sa aming dalawang magkapatid,ako ay mayroong simpleng buhay at simpleng pamilya na palaging masaya sa buhay na ibinibigay ng Diyos,masaya man ito o mahirap ganun parin kami nagpapasalamat lagi sa diyos, dahil alam namin na hindi nya kami bibigyan ng pagsubok na hindi namin kayang lagpasan, balik tayo sa aking istorya ako ay isang matabang bata na palaging tinutukso ng aking kamagaral at ng aking mga kalaro, At nung ako ay nakahakbang sa taong 2010 ako ay grade 5 at noong taon na iyon dun ako tumaba ng sobra ako ay nagging obis(Sobrang Taba) nung taon na iyon ako lamang ang mataba sa aming klase kaya ako ang palaging nakikita dahil ako lang ang mataba saamin kahit man ako ay tinutukso noon ay hindi nalang ako nakikinig sa mga sinasabi nila, At ngayong taong 2015 ako ay 15 anyos na ngunit ako parin ay mataba, ang pagiging mataba ay nagiging sagabal sa aking mga kagustuhan lalo na pagdating sa pag ibig, Dahil halos lahat ng aking nagugustuhan na babae ay ang gustong lalaki ay mapayat at masto ayun ang suliranin kaya ayoko ng maging mataba ngunit hindi ko makaya mag papayat, At ito din ay nagiging sagabal sa paglalaro ng volleyball ang kailangan kasi sa volleyball ay magaan yung katawan mataas tumalon at mabilis gumalaw, ayung ang aking problema dahil ako nga ay mataba na bata, Kaya minsan ako ay napapayuko nalang ako at sinasabi ko nalang sa sarili ko na balang araw ako ay papayat at mas hihigitan ko pa ang mga kasama sa volleyball. At isang araw kami ay pumunta sa aming probinsya sa Quezon, At ang balak ng aking mga magulang na doon na kami tumira at dahil biglaan ang disisyon nila kami ni kuya ay hindi pumayag pinipilit namin ang aming mga magulang na huwag munang lumipat, At dahil ang magulang namin ang nag desisyon wala kaming magagawa ang ginawa ko lang ay maghanap ng bagong kaibigan at ng bagong libangan dumating din ang araw na makahanap ako ng mga kaibigan at sakto naglalaro rin sila ng volleyball at minsan sinama nila ako sa laro nila pinasok nila ako ngunit nagmuka akong poste doon dahil hindi manalang ako pahawakin ng bola dahil inaagawan nila ako sumama ang aking pakiramdam at hindi man ako maka tulong sa pag recieve o kaya sa pag set o pag spike bumawi nalang ako sa pag serve ngunit masama ang nangyari ang serve ko ay out dahil sa sobrang sama ng aking loob ako at ako muna ay nag papalit sa aming mga kasama at ako ay hiyang hiya sa aking pinsan dahil wala manlang akong naitulong, At nung natapos na yung laro nag usap usap sila at nung nakita ako ng coach  ng aking pinsan at ang sinabi ay "Ito |Itong batang to babyfats pa sya " mas lalong sumama ang aking loob dahil wala akong napatunayan sa kanila at nag muka akong mahina sa kanila simula nung araw na iyon ay nangsumpa ako sa aking sarili sabi ko ay "Simula sa araw na ito ako ay mag papalakas para matalo ko sila." ayun ang aking sinabi, At nung malapit na ang pasukan nag bago ulit ang isip ng aking mga magulang naisipan nila na huwag munang lumipat doon sa Quezon at mag stay muna kami dito sa baliwag ng ilan pang taon at ako kaming dalawa ni kuya ay masayang masaya dahil hindi kami na tuloy at daling-dali kong kinausap ang aking mga magulang at pinilit ko sila na ilipat na ako sa pa-aaralang BCFA dun ako galing ngunit lumipat ako sa BU ng isang taon  (Grade 9) pumayag naman ang aking mga magulang na doon ako lumipat at ako ay tuwang tuwa dahil pumayag ang aking mama at pag dating ng araw ng pasukan nakita koay aking mga kaibigan at kasama sa paglalaro ng volleyball at ako ay sumali sa pag laro ng volleyball para sa BulPriSA at kami ay nag sasanay ngayon upang makamit namin ang aming minimithi na maging champion ang BCFA at ako ay nag sasanay ng mabuti para ako ay lumakas at pumayat upang pagbalik ko sa Quezon ay mapakita ko na pinagsabihan nila na babyfats ay wala natunaw na at ito ay naging muscle na, At ang aking masasabi lang ay wag kang mag papaapekto sa mga sinasabi ng iba sapagkat gawin mo itong inspirasyon upang pagbutihin mo pa ito lalo